Buendiaboy meets silverboy

10421123_805896926166828_5589312944947786055_n

 

 

Itutuloy …

Return of the comeback

Tapos na siguro yung mahabang pagluluksa sa aking nakaraan,Itatago ko na ang itim na tela at ilalabas ko na muli ang aking kapa.
ako si buendiaboy signing on

behave

Minsan talaga pinagbibigyan ako ng tadhana last Tuesday kasama ko na naman ang mga friends kong otoko sa opis.May sinelebrate lang naman kaming isang mahalagang tao na di na namin kasama sa opisina.Simple lang yung ganap,konting kainan at more inuman.Nabuhay ang dugo ko I must admit although sabi ko kay  Nene magiging behave ako buong gabi.

Andun pa din si Heinaku ko kapag may okasyon,binibigyan lang naman nya ako ng free kiss everytime may chance kami.This time mas bulgar kasi madami na nakakaalam na my free kiss akong nakukuha sa kanya.Yes im a slut…balingkinitang slut!

Everyone knew about it kaya ang mga miron pinagkwentuhan na ko behind my back pero dedma na lang kasi totoo naman yung nangyari except sa na-booking ko sya how I wish davah.I wasn’t expecting anything from him after what happened friends pa din kami at ginagawa pa din naming katatawanan ang mga nangyari.Im sure mauulit pa yun hanggat andito sya sa opisinang ito

Of course andun din yung forever crush ko na si motor guy,mailap yun sa akin pero di ko alam kung ano nangyari at naging friendly sya that night.I kissed the boy and I liked it.Sana makabonding ko ulit sya

Behave ako walang duda.

 

 

UPH3

Uph: sana lang talaga babae ka

Buendiaboy: sana lang talaga nagpakalalaki ka

Uph 2

Nag-usap kami over the phone ni Uph a while ago,Inamin nya sa akin na wala na talaga syang nararandaman towards me.Ano pa ba ang magagawa ko kundi tanggapin,masakit pero siguro eto na yung hinihintay kong closure.Mixed emotions,siguro dahil di pa nagsisink-in siguro Ill update na lang kung ano ang mangyayari sa akin at sa buhay pag-ibig ko.Next time yung buong kwento.

stress

Malapit na ang holy week pero wala pa din ako pera.Madami akong gustong pagkagastusan pero katulad ng karaniwang Pinoy wala ako budget.Sabayan pa ng madaming pinapagawa sayo sa opisina pero wala naman katapat na compensation.Don’t get me wrong hindi naman sa mukha akong pera pero kelangan ko naman din i-maintain ang lifestyle ko.Hindi naman ako maluho pero ayoko naman ma-deprive sa mga bagay-bagay na kinaaaliwan ko ,at syempre may responsibilidad ako na dapat gampanan.Andaming work buraot pa yung epal ko na opismate na akala mo sya na may-ari ng company.Nagmamaganda ang hitad eh mas mataas naman sahod ko sa kanya.Oo Mayabang na ako pero talagang nakakapikon kung umasta.Nagpaalam kasi ako na hindi mag-oot ang team ko sa admin head at pumayag naman.Nung malaman nya bakit di daw siya inform problema ko ba yun at hindi sa kanya sinabi?Tutal same lang naman sila ng posisyon so siguro may right naman ako na umalis kasi nga may permiso na ako.Pinapatunayan nya lang na pwede mong makuha lahat ng posisyon na magustuhan mo pero kahit kelan hindi mo makukuha ang respeto ng tao  lalo na at ang panget ng ugali mo.

 

Uph

Nagkita na naman kami  ni Uph,I just can’t help it, di ko matiis na di sya makita.Pumayag ako na pumunta sya sa bahay.Kilala na kasi sya dun kaya malaya syang makapunta at mag-sleepover.Alam ko sa sarili ko na iba na yung pakikitungo nya sa akin.Feeling ko di na sya katulad ng dati.Tinatry ko naman i-open up sa kanya pero hindi naman nya ako sineseryoso.Ewan ko ba masaya ako na hindi,masaya dahil nakita ko at nakasama ko sya ,malungkot kasi alam ko nagbago na sya.

Now ko lang sya pinangalanan sa blog ko pero matagal na syang topic dito.

1 2 3 4 5

 

Ganyan

Missing is just part of moving on

Ang saya naman hindi pa ko nababaliw,intact pa din ang kulot kong utak.Now I just realized na ok pa ko and this is just part of the process.Yes namimiss ko sya pero eventually mawawala din ito at everything will be normal again.Ang hirap naman kasi ng pinagdadaanan ko yung normal na ako   was 3 years ago pa so pano ko maibabalik yun I was not even the same back then.I need to take a rest,positive lang ganyan!

Gow

Im doing good

Not perfectly fine

Pero I know Im on the right track(baby)

Thanks to myself

Wala namang ibang tutulong sakin diba kundi ako lang

I still miss him though

But definitely mas namimiss nya ang ganda ko.

GOW

2nd day

I just had a drinking session with friends last night

This is to celebrate my singlehood again

Hindi ko alam kung bakit dapat i-celebrate

Pero bakit naman ako iiyak at maging malungkot

Isa akong bakla pero mas lalaki pa ko sa kanya

I still have my balls,

May laman at may sabaw

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.