Found a new home na

Lakad dito lakad doon eto ang drama namin ni Inang reyna kasama si Homo,ang lalaking kinababaliwan ni Nene…Naghahanap kasi kami ng room for rent para naman di na masira at malaspag ang pwet ko(tama!ok lang sana kung tete yung lalaspag diba kaso bus na mainit sa pwet ang kumakana) sa kakaupo dahil sa more than 2 hours na byahe papuntang cavite-pasay vice versa  araw araw.Bukod dun kelangan na ng matutulugan ni Homo,ayoko naman makitang lumuluha si Nene at dinudugo sa lungkot at awa paghinayaan kong matulog sa kahabaan ng Buendia etong si Homo,katatapos pa lang naman ng regla(regla talaga) ni Nene baka maubusan sya,anemic ang bruha char!

Well eto na nga sa mahigit limang oras  na palakad lakad,pagkandirit,makipagpatintero sa bus at jeep,makipagbolahan sa landlady nakakita din kami,This is it ang magiging kanlungan ko pansamantala.I found a new home na…3500 ang renta,pwede na.Nasa loob kami ng room para tignan  ng biglang naghabulan ang pusa at ang daga,literal ha naghahabulan sila

Buendiaboy:ay may daga!(baklang bakla ang reaksyon diba)

Landlady:kasama yan sa 3500(sabay talikod)

Gagang landlady!char,xempre di nya yun sinabi

Wala talaga ako balak na matulog dun dahil pwede pa naman ako umuwi at kumuha ng gamit pero pinigilan ako ni pareng Homo,di daw sya sanay ng magisa,naawa ako at si Inang Reyna kaya nagdecide na ko wag na lang umuwi,Nagiging maawain ako ngayon,Rosa Rosal kaw ba yan?

Buendiaboy:Bakit ko ba to ginagawa?(habang kumakain ng bibingka ni Bj)Inang Reyna bakit natin to ginagawa?

Inang Reyna: Cheverlou chuk chak pekpek,chenilyn forte(ngasab sa bibingka ni Bj)

Buendiaboy:oo nga nakakaawa sya (habang bitbit ang 2 redhorse pabalik ng bahay)

Sobrang napagod talaga yung balingkinitan kong mga binti kaya imbes na mag inum kami ay direcho pahinga na lang,wala kaming kama o kahit banig kaya nagtyaga kami sa sahig.Wala na din hugas hugas ng kipay,walang ph care eh choz! trip na namin matulog,Pero ang lola Nene mo gusto pa umeksena.Nagtext sakin at nagpapatawag

Nene sa text: Sabay ganun.Buendiaboy kala q b tau nagka2intndhan tawag ka pls

di ko sinagot wala talaga ako balak magexplain kung bakit di tuloy ang inuman,Gusto kasi makita ni Nene si Pareng Homo,Baliw na Baliw talaga sya dun kaya naman nagdadrama dahil bigla namin kinancel ang inuman akala ay ayaw talaga namin sya makasama,Ang Nene,di pa nakuntento gusto talagang gumora sa bagong balay namin kaya may I statement  sya kay Inang Reyna nung tinawagan sya sa cp ng “tang ina nyong 2 sige solohin nyo sya”(homo)sabay cancel ng tawag.Insekyura si Nene sarap ipalapa sa mga julate,cute si  pareng Homo pero frienship lang kame.Yoko masira ang friendship ko kay Nene kaya wit ko pinagnasahan si Pareng Homo.Mas pahahalagahn ko yung friend ko kesa sa lalaki,titi lang yan merun din ako char!Sa kabila nun gusto ko ulit tanungin si Inang Reyna ng” Inang reyna bakit ba natin to ginagawa?”with matching pahid sa luha habang nakatingin sa jalousy. “wala naman ako ginagawang masama,gusto ko lang naman magpahinga yun lang yun” pero pinigil ko ang sarili ko kasi baka eto nanaman ang isagot nya sakin

Inang Reyna: Cheverlou chuk chak pekpek,chenilyn forte

Gosh di ko talaga maintindihan yung sinabi nya kaya nagdecide ako matulog na lang

 

 

 

gatas na choco o choco na gatas?

Hindi ‘to bearbrand commercial pero ikokonek ko sa kwento ko ngayon about sa isang supervisor na ubod ng yabang, walang modo,at sobrang bastos,ang nakakainis indi sya gwapo,pinagkaitan  sya ng angking kagwapuhan,pandak at maiitim,Hindi naman sa pamimintas(indi pa ko namintas nyan ha) pero ang sama talaga,sama talaga ng mukha nya.May mga ilang kababaihan at kabaklaan ang nabiktima ng isang ito,Masyadong madumi ang lumalabas sa bibig nya,marami syang pinapahiya sa harap ng maraming tao.kawawa naman yung mga taong hindi makalaban sa kanya,Kahit ako mismo ay nakaranas ng lupit ng taong ito,Minsan sa kanya nangagaling ang tsismis na may jowa ako sa office,take note straight yan!Minsan na rin nyang nasabi na wala akong alam kundi maglaro ng balls (pertaining to a part of a male sex organ) sa harap ng ibang tao to think na pareho lang naman kami ng position sa kumpanyang ‘to.Nainsulto ako pero pinigilan ko pa din ang sarili ko,pero alam ko anytime may sasabog,may magbabalik

Kapag naulit pa yun eto na ang mangyayari…

Him: wala ka naman alam kundi maglaro ng balls.

Me: Tahimik,nag isip…kinuha ang isang malaking bato,isinubo…Sumigaw ng darna(with echo)

pagtransform.kinuha yung dila ni visor at pinakain sa aso

Me ulit: Sa susunod na may gawin ka pa sa mga taong inosente,titi mo lang ang walang latay!(tindig darna pa din pero ala celia rodriguez na ang tawa)char!

Seriously,alisin natin ang mga bagay na pag mamay-ari nya,magandang bahay,kotse,branded na kagamitan at asawang ubod ng bait,ang resulta?wala.as in wala sya…kasi wala syang halaga.Mayabang lang sya dahil ng materyal na bagay pero alam ko darating yung time na mawawala lahat yan.Ano konek sa gatas na choco o choco na gatas?

Isa syang unggoy na tao o taong unggoy?,di ko mawari ano ba sya dun, Believe me.mukha talaga syang unggoy na may caru.Char

 

Tehkla ka nene

Nakakawindang talaga ang buhay ni Nene,friend ko sya.officemate,ayaw pa mag-out sakin nung una pero recently lang as in 2days ago si bayot nag give in na,Habang naglalakad kami galing sa bar,inamin nya sa kin na bakla sya syempre di na ko nagulat,halata ko naman eh,natatandaan ko pa nung time na nagiinuman kami ng mga officemates ko , isang kasamahan ang dumakdak ng bakla ka ba,nakatingin kay Nene,ang Tehkla sumagot ng” matagal mo ng tinatanong yan nakakasawa na wala ako pakialam kung visor ka wala tayo sa opis”Nagulat talaga ako sa reaksyon nya,Taas ng boses ni Nene ,di ko sya masisi talaga namang gusto sya ipahiya nung visor na yun,Mega rescue yung kasamahan namin na indi sya bakla may gf sya(syet kelan pa naging proof na di bading ang may gf?kinabahan ako)May conviction si ate dati nya kasing schoolmate si Nene,Enter na ko ..”oo di yan bakla may gf yan”,(syet na naman sinangkalan nanaman si gf)Ilang segundong katahimikan, kala ko magkakagera buti si visor tumahimik na lang

Mabalik tayo sa ikukuwento ko talaga,Last friday kainuman ko si Nene,Inang Reyna at mga bagong tubong boylelet.Tatlo sila,syempre,ako si Nene at inang Reyna,ikot ang tumbong kasi pucha may lalaki nanaman,So inum kwentuhan tawanan ang nangyari hanggang sa umuwi kami,Si Java isa sa boylelet kasama naming matutulog,sinadya ni Nene na dun na din makitulog,trip si Java,Hinigaan lang namin ay carpet so siksikan kaming apat.Si inang reyna na likas ang kakatihan ang unang nagparamdam kay Java pero di nag win ayaw,nagiinarte, say nya”tropa tayo kuya Inang Reyna”Kinuya sya so it mins basted,bwahahaa,malamang di nya yun matanggap.Gumalaw si Nene mega hipo din,payag naman,may kissing at holding hands daw na nangyari,sinced tulog ako wala ako alam…Hindi bakla si Nene,may gf sya,char!

Eto na kinabukasan,si Java,mega explain sakin na wala daw nangyari,ampoota,bakit kelangan sa kin magexplain,nagtatanong ba ako,jowa ba kita?wa ako pakels kung may nangyari man ,may kinakatakot ba sya,pumayag sya sa nangyari,walang pilitan pero in denial sya.kesyo bakit daw sya magagalit wala naman daw talagang nangyari.Take note di pa ko nagtatanong nyan.paggising ko bukas ang zipper at wala ng sinturon,tapos walang nangyari,Birhen ang utak ko di pa ko nagisip na may nangyari pero according kay inang reyna may mantsa daw yung tshirt nya,mantsa ng modtey nya,ano yun wet dreams bwahaha.Lesson learned magdala ng tisyu.

Si Sm at Limbo

Masyado lang siguro swerte ang araw ko ngayon,Unang una hindi ako late sa work ko,may traffic man maaga pa din ako dumating sa office.Nung maglolog na ko saka naman dumating yung crush ko,kung ipapadescribe nyo sya sa akin,matangkad,maputi at mukhang mabait hehehe,Kung ilarawan ko sya sa mga officemates ko ang lalaking malagkit ang tingin sa kin,pero syempre may kumontra

Nene:(Habang nasa jeep papuntang baclaran)hahaha ganun kaya makatingin yun,sa lahat malagkit sya tumingin kahit sakin (tawa ulit parang si celia rodriguez…joke)

Buendiaboy:(indenial) hindi! sa akin lang sya ganun tumungin..sa akin lang,malagkit ang tingin nya sa akin(nagwala parang si clara lang…syempre joke ulit)

Hindi pa natapos dyan ang masayang nangyari sakin,umakyat ako sa second floor kung san ang station ko at naisipan ko uling bumaba para bumili,Nakita ko ulit si SM(superman)ang crush ko,

Buendiaboy:Bibili lang ako ng kape pahiram muna ng pera(nanghiram talaga…heheh indi kay sm kundi dun sa friend ko na saksakan din ng landi,si inang reyna)

Inabot nya sa akin yung pera

SM: parang gusto ko din ng kape

Sumabay sya sa akin kaya nagkaroon kami ng chance na magkasama.Syempre sinamantala ko na nagtanung nako ng kung anu ano mukha kasing tahimik si SM kaya ako na mismo nag initiate ng kwentuhan.Habang bumibili kami dumating naman si Limbo ang isa pa naming crush ni inang reyna,Ang saya talaga ng umaga ko kainis(hehehe)Pacute ako bwahahaah,nagtagpo ang aming mga mata pero dahil sa di nya ko kilala dedma lang sya..Pakiramdam ko marami pang magagandang mangyayari sa kin baka next time alukin naman ako magdate ni Sm or alukin ako ng kasal ni Limbo.Pakshet

May salary na kami isa pang magandang nangyari

Beer:emo lang

Sobrang dami kong gustong sabihin sa blog ko kaso parang walang gustong lumabas sa isip ko…Maybe because masyadong magulo ang buhay ko these past few days.Parang chubibo lang masyadong magulo,masydong mabilis at masyadong nakakahilo.Tama emo post nga ito di ko kasi  mapigilan ang sarili ko,Minsan masaya madalas malungkot,maraming salamat na nga lang sa mga kaibigan ko na nakakatagayan ko,salamat kay redhorse sa pag alalay sakin,sa pagturo sa kin kung ano dapat gawin kapag tinatamaan na

Salamat kay Mags isang bar dito sa Pasay sa pagkupkop sa kin kapag gusto kong tumagay,wala na nga lang ang dalawang paborito kong waiter na balita ko ay nagresign na,At salamat sa sarili ko dahil kahit anong problema matino pa rin ako.Tara tagay tayo