500

(Base lang ang kwento na to kay Inang Reyna,sinikap kong maging accurate pero malamang sa hindi eto talaga ang nangyari)

 

Hindi talaga maubusan ng eksena ang friend ko na si Inang Reyna.Habang ang lahat ay abala sa noche buena at iba pang tradisyong pinoy ,ang reyna di nagpaawat pinaglihi ata sa gabi si bakla kaya naman palong palo nung gabing yun ,ang korona ayaw talaga bitawan

Christmas Eve…Si bakla rumampa sa Moa kasama ang pamilya ng kapatid nya,simpleng dinner lang sana ang eksena,lafang dito kwento doon…ng masight ang isang guy na nagiisa(this is actually after the dinner na nung makita nya)

Pokpokita talaga kaya naman nilapitan nyan ang lalaking nag-iisa.Pero bago yun dahil kasama nya nga ang pamilya ng kuya nya gumawa muna sya ng paraan para madispatsa sila.Nagdahilan na nagtext ang boss nya at kelangan nya ng umuwi.Sooo pokpok talaga at pinagpalit ang family sa betlog.

Nag ikot ikot,tumalon,kumandirit at naglulukso sila sa moa parang eksena lang sa piko at luksong tinik ching!in short naglakad lakad habang nagkukwentuhan.

Inang Reyna: Pumapatol ka ba?

Guy: indi

Derechong tanong ni Inang Reyna kaya direchong sagot din bwahahaha.Pero knowing him di sya susuko.Inilabas nya ang kanyang kapa at nagpakilalang si Venus Raj char!

Inang Reyna: Sumama ka na lang sakin

Guy:san?

Inang Reyna: Sa Biglang liko(very 80’s)

cge na xmas naman eh

Guy: sige ikaw ang bahala.

and the rest as they say is history Pak.Nakuha nya yung lalaki.Kinabukasan pinakita nya yung pic ng guy

ang labo ng kuha di ko alam kung nananadya na ayaw talaga ipasilip sakin

Buendiaboy: magkano?

walang kakurap kurap nyang sagot

Inang Reyna: 500 wala na nga ako pera

Advertisements

balo

Huhu

 

galit ako sa mundo(char)

 

lahat na lang ng minahal ko sa iba napupunta

 

una si

 

si jan lloyd…(pesteng bata)

 

si edwin(matagal na sila ng gf nya)

 

si heinaku(may live in partner na)

 

si machete(kakakasal lang)

 

lahat sila taken na

 

huhu(inum nestea icetea)

 

lahat sila masaya na

 

lahat sila iniwan ako

 

at ngayon ang latest

 

BALO  na naman ako

 

panu na mga anak natin?

 

di kita malilimutan

 

aking…

 

herman

 

 

mang- aagaw kasi ang pechay na to

di man lang ako sinabihan kukunin nya na tse!!!

Si buendiaboy,Nene,at Inang Reyna

Dahil bangag ako sa nagdaang christmas ipapakita ko na mga itsura namin nung kami ay dalaga pa.

 

 

 

bwahahaha

 

 

 

Sana po ay irespeto nyo kami sa ginawa namin.lol

 

 

 

Buendiaboy,Nene at Inang Reyna

 

Dalaga pa kami nyan ha wait nyo nung may asawa na kami

 

 

lol indi po kami yan char lang,mas maganda kami jan

Sooo pokpok

Eto talaga ang pinaka masayang season ever sa buong taon,you always get the chance na makipagbonding at party na may excuse,because it is christmas so pwedeng lumandi,bwahahaha

Simple lang yung christmas party ng company namin sinced nagtitipid sila pero iba pa rin dahil sobrang saya kahit kami lang nagdecorate at nagluto..

It was indeed the best so far…sana next year ulit

Syempre bakla ako pwede bang walang eksena?hehhehe,matagal ko ng pinagnanasahan ang lalaking to mga ineng,party lang pala ang hinihintay ko para matupad ang simpleng hiling ko.Sya yung guy na naka tshirt ng heinaku

Let us call him Heinaku…matangkad yan maputi at makinis…wet na wet ako pag nakikita ko yan..

Magaling sya sumayaw pero bihira siguro maginum kaya madaling nalasing,syempre may konting kalandian ako sinamantala ko ang kahinaan nya,(sori tao lang).Indi ko sya hinada ah.wrong iniisip nyo pero nahalikan ko sya not onced but 4 times.Pademure ako eh yun lang kaya ko.At isa pa maraming paparazzi sa office kaya hanggang ganun lang,Soft ng lips nya pwamis akala ko nga makakalima pa diba ambisyosa lang kung makikilala nyo lang talaga sya iisipin nyo mahirap to abutin kasi di pumapatol..pero wag ka palong palo..

Isa lang yan sa mga nahalikan kong mga kalalakihan ng office namin gwapo man o monster hinalikan ko..soo pokpok ba?care bears(kiber)

 

Buendiaboy aka santa

Makikisali na din ako sa christmas  eklavu na yan pero instead na ako ang magwiwish para sa gusto ko matanggap this xmas, ako na lang ang magbibigay ala santa klaws

Una kong bibigyan si Soltero:

Mahal ko ang lalaking to pero dahil si soltero ang unang nag add sa link ko sa kanya ko  na lang ibibigay,Cute sya sa personal at malaki,as in malaki at mahaba,may mapupulang labi at mapanuksong mga mata,Bubot pa ko ng mahalin ko sya ,ang pechay ko mamumukadkad palang at ang hasang ko nakatago pa sa scarf,sana magustuhan mo Soltero,ipapadala ko na lang kasama ang magic kamison ni Mother Lily,isuot mo ha pwamis malambot ang tela nya

 

Pangalawa kay  Nene

Nene dating katorse ngayun kinse anyos na,matanda ka na Ne,alam kong di naging maganda ang mga nagdaang araw sayo,puro isyu,puro problema,alam kong di madali ang mag out,at magkaroon ng relasyon pero in due time maaayos din ang lahat.Peace of mind ang gift ko sayo dis xmas,ipapadala ko din kasama naman ang charmee pantyliner,may buwanang dalaw ka na Ne,ingat ka baka mabuntis ka ng wala sa oras,

 

Pangatlo kay Inang Reyna

Sa ting tatlo ni Nene,ikaw ang reyna,ang nagiisang Reyna,ikaw lang ang may ganyang katangian at wala kaming balak kuhanin sayo ang korona.Sana dis xmas magkaayos na kayo ni Nene.alisin na ang samaan ng loob di bagay sa atin yun,magkakapatid tayo.Iisa ang pinanggalingan natin… sa rainbow

Pang apat kay Jan Lloyd

Jan-jan,indi ako alkansya o bangko please lang wala ka naman pinatago na pera kaya wala ako mabibigay sayo kundi ganda lang choz,ok lang naman mangutang wag lang paulit ulit,nakakasuya yung ginagawa mo kaya reregaluhan na lang kita ng D.O.M. sa kanya ka mangutang baka may pera sya.Yang dom na yan bakla yan pwamis!

Pang lima para sa sarili ko,(dapat merun din ako,di nakatiis)

Bagong trabaho sa bagong taon ang regalo ko sa sarili ko,kahit boksingero tatanggapin ko mabago lang ang buhay ko,choz,Pagod na kasi ako,sa January next year apat na taon na ko dito,nakakapagod,nakakabagot ang paulit ulit na ginagawa,gusto ko maiba naman.ok lng kung mabubugbog ako kung sila naman ang susuntok

 

Merry Christmas sa lahat,eto yung unang taon na wala na ang tatay ko,di ko na sya makakasama sa nochebuena pero alam ko someday magkikita kami,Happy Holidays

 

machete

Kung alam nya lang matagal ko na syang pinaglalawayan

 

 

 

 

 

 

parang mahal na kita

 

 

 

 

Buendiaboy invades Baguio

Parang magcoconcert lang yung title ko,level lang

.Ashwually wala naman talaga akong maiblog regarding sa trip ko sa Baguio,naging smooth naman sya although may konting aberya indi naman talaga nakaapekto sa buong pagstay namin .May isa kasi kaming kasama na muntik ng maiwan papaunta palang kami nun bongga sa late inintay talaga namin sya including yung ibang pasahero na muntikan na din magwala sa sobrang late ni ate.Hindi ko alam kung bakit sya late sinced indi naman kami close at sabit lang ako sa grupo.Pero muntik ko na syang awardan ng the late ate(insert name)…Dumating sya after 26 1/2 years may pasahero na di nakapagpigil

Pasahero:haba ng hair mo ate

Galit si kuya.insecure sa haba ng hair ni ate,buti na lang marunong sya magsori sa mga naabala ,napansin ko lang sa buong trip namin sa Baguio si ate naka medyas lang at tsinelas,never nya tinanggal yung medyas nya bakit kaya?

Hating gabi kami umalis ng Avenida at dumating kami ng umaga sa Baguio.Pagdating sa transient house nilagay lang namin yung gamit,naligo,kumain tapos tuloy rampa na kami.Una naming pinuntahan.Burnham Park

Pasensya na di lahat maipost ko

Di ko mabigyan ng justice yung ganda ng lugar dahil sa piling pili lang yung pix na pwede ko ishare,bukod sa di maganda yung resolution ng camera na gamit namin.

Pinuntahan din namin ang Our Lady of Lourdes, Minesview at Botanical Garden

Ang mga Igorot na kundi lang matanda ay sinapak ko na kasi nakisali sila sa picture na walang paalam pagkatapos ay siningil kami.Ang mga senior na to ay namimilit na bigyan sila ng barya,ayos lang naman pero wag naman sana sapilitan at sila pa ang galit pag di nabigyan

 

Sa grotto kami nito,yun si “The late ate(insert name)” nakamedyas na black at tsinelas

 

Ang traje de boda ni Inang Reyna

Balak ko dito itulak si suso ang umagaw kay jan lloyd

Kinaumagahan nagsimba muna kami tapos pumunta naman sa strawberry farm sa La Trinidad Benguet

 

walang mga bunga ang strawberry kaya nagtyaga na lang kami sa paisa isang bunga.Ayon sa napagtanungan ko February daw ang season ng strawberry.Tingin ko adik yung napagtanungan ko.Indi kasi ako naniniwala sa kanya.(Indenial bwahahah)

Yung babaeng nakaitim na kinarir talaga ang jacket na may fur kahit di naman ganun kalamig  dahil katanghaliang tapat ay si old Lady Gaga.Tama sya po yung babaeng nagturo sakin na ok lang mamitas ng bunga ng strawberry di daw magagalit ang may ari.Kuha namn ako kahit alam ko na pagnenenok yun.Ginaya ko sya kahit nahihiya ako mamitas.Walang ngang sumisita kuha pa ako…

Old lady:sarap ng strawberry matamis(nguya nguya)

wala talaga sumisita,walang nagagalit

Buendiaboy:(kinagat ang  strawberry)agree masarap nga

wala pa din, nakakakain ako ng libre,samantalang bumibili yung iba sa labas ng bakod ako pitas lang.mahal kaya nun

Si Old lady gaga,pitas ng pitas.kain ng kain,Bongga

Maya-maya.nakakwentuhan namin yung isang local resident dun.Yung isa kong kasama nagtanung para makasigurado na ok lang pumitas

Kasama: ate pwede ba makahingi?

Local resident: di pa pwede kainin yan kalalagay lang ng pesticide

ANU DAW?????

Buhay pa naman ako at si Old Lady Gaga,di ko lang maiwasang isipin ano itsura ko kung nalason ako ng pesticide.Ganito rin kaya….

Old Lady Gaga

 

 

Pinagtaksilan ako ni jan lloyd

Di ko talaga kinaya ng bonggang bonga ang nangyari before kami pumunta ng Baguio.Nagkaroon ng nomohan ang mga taga 4th floor dito sa office namin  kasama ang kabit ko na si Jan Lloyd(keybit kow pow sha)syempre si Buendiaboy abala sa pagprepare ng gamit kaya late na ko nakarating sa nomohan at wala naman talaga ko balak makipag inuman sa kanila kahit text ng text sa kin si papa jan lloyd na pumunta na.

Janlloyd: mahal asan ka na punta ka na dito(char lang yung mahal)may gustong humalik sakin dito gusto ko ikaw makauna sa kin(something to that effect yung text pero dedma lang ako kasi alam ko di nya type yung bading na supervisor na yun)punta ka na dito agad.

Marami syang text pero sinced mas excited ako makapunta ng Baguio .Mas feel ko na ang igorot kaya dedma

taena na pagdating ko dito binalita sa kin ni Inang Reyna na hinalikan nya ng maraming beses si supervisor aka suso(haba kasi ng nguso)lips to lips.May pictures pa pero di ko na tinignan.Ayoko tignan,ayoko ayoko ayoko

Nakita nako ni Jan lloyd dumating,lumapit sya sakin,lasing na lasing,nakangiti

Buendiaboy:hayop ka!pinakain kita,binihisan,tapos eto igaganti mo sakin pano na ang anak natin?

Jan lloyd:ashan ang anak natin?

Buendiaboy:nasa fallopian tube ko nagrerest

(di tunay na pangyayari)

well naggagaligalitan sa kin si Jan lloyd dahil nung nagyaya daw sya mag nomo ay tumanggi ako pero sa iba sumama ako para maginum.Bulok na tactics,tse!

Sa totoo lang di naman ako affected dahil sa halikan na yun promise po talaga.Nilaslas ko lang yung pulso ko choz!bakit naman ako papaapekto sa sirenang yun

eh ano naman kung mas mahaba ang buntot nya.Peyki alam kow

Baguio at Buendia

Si Buendiaboy lilipad papuntang Baguio !…First time ko to sa city of Pines kaya naman bongga sa excitement ang nararamdaman ko.At last indi lang puro usok ng Buendia ang malalanghap ko,Indi lang puro rugby boys ang makikita ko,makakakasalamuha ko na ang mga kangaroo ching,

Makakasama ko na ang ina ng mga Dyosa, si Inang Reyna .

 

Dala ang bato ni Darna.Baguio here we come

Hapi Bday Homo

Birthday kahapon ng housemate ko na nuknukan ng kapal ng mukha kung magrequest.Nakapagcelebrate sya na puro donation lang ang handa,akalain mo nga naman sya na talaga ang regalo ng Diyos sa sanlibutan ,ang punong abala si Nene ang kanyang butihing may bahay,na until now di pa nabubuntis,choz!Nag undertime si Nene na bihira nya gawin,para makapagprepare ng spaghetti na ubod ng sarap na walang halong echos masarap talaga courtesy of Inang Reyna na di ko alam lately bakit ganun ang ugali.Anyway simple lang naman yung celebration,ilang tao lang naman ang friends ni Homo sa office namin kaya konti lang kami.

ako po yung nakasando,katabi ko sa kaliwa si Jan lloyd,Si Homo,Si Sm at Inang reyna.Lahat sila ay nabanggit ko na sa previous post ko

Hapi naman si Homo at lahat ng bisita nya.Pero syempre papayag ba na walang eksena ang dalawa,Si Nene na woman of the hour ang drama,Matatandaang indi out si Nene sa company namin kaya naman major major isyu ang relasyon nila ni Homo.Kulang na lang magpaparesscon ang hitad para umamin

Parang ganito:

Reporter:matagal na sayo to tinatanong onced and for all, Bading ka ba?

Nene: di po ako isang bading…isa po akong butterfly(sabay lipad)

stressfull ang araw ni Nene bukod sa sya ang namalengke at nagprepare ng food sa tulong ni Inang Reyna ay sinabayan pa ito ng bonggang bonggang isyu sa pagkatao nya.May isyu sa friend nya na pinangalanganan kong Socogirl2 sa previous post ko.Plus ang indi mapigilang pagflirt ni Homo sa mga girlalu habang nagcecelebrate ng bday nya,the nerve diba kapal talaga ng fez.Sa harap pa ng kanyang kabiyak,Sarap ipalapa yung birdie nya sa pusa ni Landlady.8 pusa yun,di pa natapos dun sinundan ni Homo si socogirl2 sa Mags bar,iniwan si Nene sa condo,di nagpaalam.tae makati talaga ang hombre

Pag uwi eto eksena

Nag-away sila,pataasan ng boses,sumbatan,paliwanagan,bolahan…

nasan ako?sa tabi lang…nakikiramdam baka after ng away BIG NIGHT na naman.