Buendiaboy aka santa

Makikisali na din ako sa christmas  eklavu na yan pero instead na ako ang magwiwish para sa gusto ko matanggap this xmas, ako na lang ang magbibigay ala santa klaws

Una kong bibigyan si Soltero:

Mahal ko ang lalaking to pero dahil si soltero ang unang nag add sa link ko sa kanya ko  na lang ibibigay,Cute sya sa personal at malaki,as in malaki at mahaba,may mapupulang labi at mapanuksong mga mata,Bubot pa ko ng mahalin ko sya ,ang pechay ko mamumukadkad palang at ang hasang ko nakatago pa sa scarf,sana magustuhan mo Soltero,ipapadala ko na lang kasama ang magic kamison ni Mother Lily,isuot mo ha pwamis malambot ang tela nya

 

Pangalawa kay  Nene

Nene dating katorse ngayun kinse anyos na,matanda ka na Ne,alam kong di naging maganda ang mga nagdaang araw sayo,puro isyu,puro problema,alam kong di madali ang mag out,at magkaroon ng relasyon pero in due time maaayos din ang lahat.Peace of mind ang gift ko sayo dis xmas,ipapadala ko din kasama naman ang charmee pantyliner,may buwanang dalaw ka na Ne,ingat ka baka mabuntis ka ng wala sa oras,

 

Pangatlo kay Inang Reyna

Sa ting tatlo ni Nene,ikaw ang reyna,ang nagiisang Reyna,ikaw lang ang may ganyang katangian at wala kaming balak kuhanin sayo ang korona.Sana dis xmas magkaayos na kayo ni Nene.alisin na ang samaan ng loob di bagay sa atin yun,magkakapatid tayo.Iisa ang pinanggalingan natin… sa rainbow

Pang apat kay Jan Lloyd

Jan-jan,indi ako alkansya o bangko please lang wala ka naman pinatago na pera kaya wala ako mabibigay sayo kundi ganda lang choz,ok lang naman mangutang wag lang paulit ulit,nakakasuya yung ginagawa mo kaya reregaluhan na lang kita ng D.O.M. sa kanya ka mangutang baka may pera sya.Yang dom na yan bakla yan pwamis!

Pang lima para sa sarili ko,(dapat merun din ako,di nakatiis)

Bagong trabaho sa bagong taon ang regalo ko sa sarili ko,kahit boksingero tatanggapin ko mabago lang ang buhay ko,choz,Pagod na kasi ako,sa January next year apat na taon na ko dito,nakakapagod,nakakabagot ang paulit ulit na ginagawa,gusto ko maiba naman.ok lng kung mabubugbog ako kung sila naman ang susuntok

 

Merry Christmas sa lahat,eto yung unang taon na wala na ang tatay ko,di ko na sya makakasama sa nochebuena pero alam ko someday magkikita kami,Happy Holidays

 

Advertisements
Previous Post
Next Post
Leave a comment

6 Comments

  1. mingmeows

     /  December 20, 2010

    ikaw ang nasa last pic teh. hitsurain ka pla.

    ang cute ni soltero ha.

    Reply
  2. indi po ako yun

    Reply
  3. hehehe.. magkikita kayo ni daddy mo.. sya nasa clouds.. ikaw pa slide slide sa rainbow.. heheheh.. sasabihin nya.. “taray talaga ng junakis ketch” 😀

    merry christmas sayo. buwisit naman hindi ka makapag comment sa blog ko. sa akin ba wala kang regalo? hehehehe..

    Reply
  4. I hope you enjoyed your Christmas! Sana naging meaningful and very happy yung Pasko mo. 😀

    Advance happy new year too, wag magpaputok, baka maputulan. lol. 😛

    Reply
  5. hi there nice blog. exchange link tayo thanks!:)

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: