Honorable mention

Last Monday I decided to watch a movie Forever and a Day alone.Most of the moviegoers are couples,kebs lang basta I wanna watch it because of my favorite director Cathy Garcia(one more chance).The movie has a clear message,though the storyline is not I will remember after 5 years,Nanghihinayang ba ako sa pera na nilabas ko?hindi naman,Eto lang kasi yung time ko para mag-isip,magnilaynilay sa kahapon.The movie is about hope,trials,love and moving on.Malaki yung scope ng movie hindi lang sya basta love story.Naeenjoy ko minsan na mag-isa,mag-isa kumain, mag-isa mamasyal para makapag-isip.Hindi naman ako loner I just felt I needed to spend my time alone at baka sakaling may mapulot akong magandang lesson sa movie.Malamig sa sinehan kasing lamig ata ng pagtanggap ng tao dun sa kwento ni Raffy at Eug,played by Kc and Sam respectively.Ilan lang kasi kami to think na holiday yun although mejo umaambon at baka tinamad na yung tao manood.And for me this is the perfect time to catch a movie walang siksikan.

Minsan ok lang huminto,eto yung line ng daddy ni Sam nung nasa tracking field sila while Sam is desperately running to save the life of Kc.It is actually symbolism na ok lang mag-give up this time.Oo nga tama naman sya kahit gusto nating ituwid,alagaan ang relasyon natin may mga bagay na hindi na natin hawak and wala na tayo magagawa kundi igive-up kahit napakasakit.Ang importante ginawa natin ang alam nating tama.Masakit pero I have to move on.Iiwan ko yung bahagi ng buhay kong ito na nakangiti hindi dahil wala ng sakit,it is because I graduated from this with honor

Ps.Maraming salamat sa fubu ko nextime ang kwento

Wala na

Sa kabila ng pinagdadaanan ko  madami akong dapat ipagpasalamat sayo  at pati na din kay “bro”.Unang-una may mga bagay pala na kaya nating gawin sa ngalan ng pag-ibig.Natuto ako sayo,naging mahaba ang pasensya ko,naging matyaga sa paghihintay kapag late ka,Natutunan ko kung pano makinig,sa ngayon Im a good listener than a speaker,Naging mapagpatawad ako,pwede pala yun 2nd chance,3rd chance kahit nth chance pa kaya kong gawin.Araw-araw challenge ka sa buhay ko at ako din sayo,Hindi nga natin namalayan mahigit dalawang taon na tayo.Ano ba sikreto?wala,basta ang alam ko wala ako tiwala sayo sa bawat kilos mo at lahat ng sinasabi mo, baka nga dumating ang panahon pati paghinga mo di ko na paniwalaan.Yun yung nakapagpatibay sakin,natuto akong kumapit sa relasyon natin dahil sa wala akong tiwala .Alam ko matatawa ka pero yun ang totoo.Pero pano kung ikaw ang bibitiw?madaya ka naman eh tinuruan mo ko na maging matatag pero ako naman ang iiwan mo.Lagi ka talaga madaya,lagi na lang ako yung taya,para kang bata ang galing mong magtago di na kita makita,kung pwede nga lang maging bata uuwi ako sa nanay ko,iiyak at magsusumbong dahil iniwan nanaman ako ng kalaro ko.Hindi ko alam kung pano ko uumpisahan eh,sinanay mo ako,sino na bayung titimplahan ko ng kape,lulutuan ng hotdog,yung rereplayan ko sa mga text.Yung kukurot sa kin,yung aakayin ko pag lasing na,wala ng magtatanong sakin kung bhe gwapo ba ako?wala na mangungulit sakin mag Mcdo.Wala na…asan ka na?ibabalik ko sayo ang madalas mong tanong sakin noon,”bhe wala na ba talaga?”please wag mo sasagutin dahil ayokong marinig na wala na

Ngiti

Likas akong mapagpatawad at alam mo yan,mali ang akala mo sa kin na pusong bato ako,tama nahirapan ka nanaman kunin ang loob ko,nagumpisa ka ulit sa dati,sinuyo mo ako dyan ka naman magaling diba ang manuyo.Nahulog ulit ako,di naman talaga nawala yung pagmamahal ko,namahinga lang sa sakit na ibinigay mo.Marami tayong magagandang ala-ala,minsan ko ng sinabi sayo,Gusto kong punuin ng magagandang alaala yung relasyon natin,”I want to be the best that I can be” at marahil kung may hihigit pa sa best ako yun.Tama ka mayabang ako pero alam mo yung effort na binibigay ko.Hindi nga ako mahilig makipag-away sa yo diba.Hanggat kayang intindihin ginagawa ko naman.Mahilig ka uminom pero hindi kita pinipigilan katwiran ko alam mo yung ginagawa mo at alam mo ang limitasyon mo,malasing ka man alam kong kaya mong dalhin ang sarili mo.Isang beses na nalasing ka natuwa ka sakin,first time atang may nagasikaso sayo,naappreciate mo yung pag-aalaga ko,hindi ko namamalayan malaking bagay pala sayo ang maliliit na ginagawa ko.Nginingitian mo ako na parang nahihiya dahil inaming mong natutuwa ka.Simple lang noon yung gusto mo,ipagprito lang kita ng hotdog,ipagtimpla ng kape o milo,Gustong gusto mo yung inaasikaso ka at lahat yun para sayo ay mahalaga.Madalas mo saking sabihin na kung babae ka lang pinakasalan mo na ako,masaya na malungkot ang naramdaman ko nun sa twing sinasabi mo yun para kasing natatakot ako sa katotohanang malalayo ka sa kin balang araw.May mga araw na nag-aaway tayo  dahil likas na yung kalokohan mo,madami ako nadidiskubre na sayo din naman nanggagaling,Hindi lang ilang beses mo pinagtapat na niloloko mo ako.Marahil naguguilty ka dahil kabaitan pa din yung isinusukli ko sayo.Hindi kita kinakausap nun,pero lagi mong binabanggit na di mo kayang mawala ako sayo.Natuto na ba ako?

Kutob

Ang kulit mo talaga di mo ko tinigilan kahit ilang beses na kitang sinopla…Pasalamat ka at nauso ang unlimited text kaya nakuha mo ko sa pangungulit mo.Natatandaan ko pa nga ang sabi ko sa’yo ang tipo mo yung mga taong manloloko parang si mayor lang.Tawa at ngiti lang ang madalas mong sinasagot sakin.Hindi ko alam kung pagsang-ayon iyon sa sinabi ko o talagang palangiti ka lang.Aaminin ko unti-unti nakukuha mo ko sa simpleng pangungulit mo.Nakuha mo ko sa mabulaklak na salita.Hindi ka sumuko sakin kahit ang alam mo wala ka talagang pag-asa.January 1 pinasunod kita sa bahay ng kaibigan ko,Nakainum ka nun,dahil bisita kita,inasikaso pa rin kita.Hindi naman ako nagagalit dahil lasing ka na.Katwiran ko ay wala namang masama,Kilala mo naman mga kaibigan ko dahil minsan na din kita naisama dun.Masaya ang lahat kahit alam kong parang may kakaiba sa kilos mo.Lumalalim ang gabi palibhasa’y hindi naman likas sakin ang pagiging seloso kaya malaya kang makipag kwentuhan at makipagbiruan sa mga kaibigan ko.Kaibigan ko si Mark at alam kong may gusto s’ya sayo,wala naman sakin yun kung may nakaka-appreciate sayo kung tutuusin proud pa nga ako na ako ang mahal mo.May pagkakapareho kami ng ugali ni Mark at alam kong kahinaan mo iyon.Nagpasya na tayong matulog,mga lasing na kayo at wala na din mabilhan ng alak,katabi kita sa kama,pinaggigitnaan ka namin ni Mark.Madilim ang paligid at mainit ngunit nakakumot ka,Alam ko may mali,alam kong may ibang mangyayari…Kinukutuban ako,hindi ako mapalagay,tinigtignan ko kung bakit nakatalikod ka sa kin at nakaharap kay Mark,di ako nagsalita,nakikiramdam sa susunod na mangyayari gusto ko makasigurado.Hinahalikan mo s’ya base sa galaw ng kumot,mabilis pero maingat,ayoko gumawa ng eksena,natatakot ako sa anong pwedeng mangyari,natuto akong makiramdam…dahan-dahan,lakas ng pintig ng puso ko…Hinablot ko yung kamay ni mark at sayo,kahit tabing ng kumot huli ka pa din sa akto pinapahawakan mo sya kay Mark.Lahat ata ng dugo ko sa katawan ko umakyat sa ulo ko,Ganun pala talaga kasakit,bawat kalamnan ko nanginginig sa galit.Di ako nakapigil,kinwelyuhan ko si Mark,Hindi ko na matandaan kung ano ang aking sinabi,pero isa lang ang sigurado masasakit na salita ang binitiwan ko.Pinipigilan mo ko sa pwede kong magawa kay Mark.Humingi ka ng patawad pero bingi ako.Pinalabas ako ng kwarto dahil sa ginawa ko,sabay tayong lumabas…Humingi ka ulit ng tawad bakas pa nga sa mukha mo ang pagsisisi.Alam kong di ako makapag-isip ng maayos.Niyakap mo ko pero naging tahimik ako.Nagpaumaga na lang tayo para makauwi,tayo sa labas at si mark sa kwarto.Umaga na ng nagpaalam ako sayo sabi ko bibili ako ng pandesal,nag-alangan ka pero pinayagan mo ko lumabas sa pag-aakalang bibili lang ako.alam ko naghintay ka sakin..ngunit di na ko bumalik

Textmate

Mag-aalas-otso ng gabi,malamig ang panahon,malakas din ang ulan.Hindi naman ako kinakabahan pero alam ko malapit na s’ya,Im wearing my usual pink polo,black pants and sweater.Galing ako sa trabaho,hindi naman ako pagod sakto lang.Nagtext ka sabi mo malapit ka na,Hindi kasi kayo pinalabas ng maaga ng bakla mong propesor sa speech.Ayoko ng pinaghihintay kaya sabi ko dalian nya.Text ka pa din ng text ng paulit-ulit para masigurado mong andun pa ko sa mall kung saan tayo magkikita.Hindi naman nagtagal ay dumating ka.Sakto pasarado na din ang mall,malayo ka pa lang alam ko ng ikaw yun,nakangiti ka sakin…your usual smile yung nakakalokong ngiti,ikaw lang ang kilala kong ganyan.Nakasuot ka ng polo at pantalon katulad ng uniporme ko nung college pa ko.Kalbo ka pa nun,mayabang,astig.Ngumiti ako sayo to acknowledge your presence.Alam ko kinakabahan ka,ako hindi ko alam,marahil masaya dahil nakita na kita

Gumigising ako ng maaga para pumasok,malayo din kasi ang opisina.Wala akong lovelife kaya naman nakatuon ang isip ko sa pakikipagtextmate.Malay natin makabingwit.Twing madaling araw bago ako kumain o maligo nakagawian ko ng manuod ng tv. May isang istasyon sa Tv na nagpapalabas ng chat messages,ito ay bukas para sa lahat basta may cp at load.Dun ko pina-flash ang aking numero,parang talipapa bukas sa mga gustong mamili,hindi ng isda at gulay kundi ng numero na hanap ay pakikipagkaibigan,pakikipagtalastasan o minsan hanap ay kasex.Isang madaling araw,ikaw na ang nagtext,ayoko sayo masyado kang mayabang at makulit.Conceited,playful,makasarili,immature.Galit ako sa mga ganyang klaseng tao.I ignored you.Hindi ikaw ang taong magkokontrol sakin.Consistent ka sa pagtetext marahil iba ako ,iba dahil hindi ako interesado sayo.Lagi ako masungit sa t’wing magtetext ka.Not knowing sa mga susunod na panahon isa ka ng malaking bahagi ng buhay ko.Magpupulis ka nga pala at sa ngayon masaya ako malapit mo ng matupad ito.Nagdesisyon akong makipagkita upang alamin kung may pag-asa nga tayo.Hindi ba’t ilang beses mo sa kin sinabi na ngayong nakilala na kita may magtatanggol na sa akin.Naniwala ako, may pag-aalinlangan pero naniwala ako.

 

gay-la lang

During my emo-iyak-lamon-alak-because-of-someone days ,nagdecide ako sumama sa travellers club ng office namin,It is group of lakwatsador sa company and yes isa ako dun.We went to Alaminos Pangasinan.Hundred Islands is not really hundred kulang kaya choz.

This pic was shot from the top of an island na nakalimutan ko yung name basta maraming ice cream vendor dito

Ithink this is what they call the cathedral cave/island because of its hugeness parang pwede kang magsimba sa loob

Turtle island because of its shape

The bat Island obviously dahil ng bats,kung puro bakla ang settlers …beki island naman ching

Here’s the most exciting part of our adventure…It is called Imelda cave.Feeling ko nasa korea ako super daming cute korean boys.On the top of this Island,may butas where you can jump sa tubig.You should wear that orange thing para di malunod kasi sobrang lalim.Busog ang mata ko sa cute korean boys talaga swear para silang character ssa isang koreanovela which I really reall love.

On our way back merun konting aksidente sa daan pero safe naman kami nakauwi.Sobrang bitin kasi di kami nakapunta sa Manaoag para magsimba.

Masabi lang may post ako…

Gusto ko lang talaga mag comment about a blogger na mejo hate ng blogosphere.I dont know kung hate nga sya kasi never naman ako nakabasa ng comment against him.Honestly like ko ang blogger na ito sa pagiging real nya,According to him marami raw syang hate mails or something na for me is an indication na may nagbabasa ng blog nya pero somehow naiisip ko din na pwedeng may mali nga sa kanya kaya ayaw sya.May mga posts sya na actually i dont really agree pero it doesnt mean i hate him.Ang punto ko lang sinced blog mo yan ipost mo ang gusto mo at ipopost ko din ang gusto ko like anybody else.Kung ang tema ng blog ay di mo gusto wag mo basahin malakas ang kapangyarihan ng mga daliri mo para iclick yan.Di naman siguro baldado ang kamay mo para di maigalaw yan at dun sa blogger na maraming haters daw it also applies to you,yun din naman ang punto mo

Im here

Bongga ang mga nababasa kong kwento ni mareng cinderella.Teh konting ingat lang choz,Para maiba naman wala akong ikukuwentong kalansahan.Gusto ko lang iparamdam na buhay pa ko,May mga bagay lang talaga na di maiwasan.Wala akong sexlife pero may social life naman ako.Sobrang enjoy naman yung kasama mo lang officemates mo at friends mo.Natutuwa lang ako dahil nakasuporta sakin sila sa matinding pinagdadanan ko ngayon.Im happy im with them willing na makinig sakin.THESE COMING WEEKS HUMANDA SILA BUENDIABOY WILL STRIKE AGAIN.