Textmate

Mag-aalas-otso ng gabi,malamig ang panahon,malakas din ang ulan.Hindi naman ako kinakabahan pero alam ko malapit na s’ya,Im wearing my usual pink polo,black pants and sweater.Galing ako sa trabaho,hindi naman ako pagod sakto lang.Nagtext ka sabi mo malapit ka na,Hindi kasi kayo pinalabas ng maaga ng bakla mong propesor sa speech.Ayoko ng pinaghihintay kaya sabi ko dalian nya.Text ka pa din ng text ng paulit-ulit para masigurado mong andun pa ko sa mall kung saan tayo magkikita.Hindi naman nagtagal ay dumating ka.Sakto pasarado na din ang mall,malayo ka pa lang alam ko ng ikaw yun,nakangiti ka sakin…your usual smile yung nakakalokong ngiti,ikaw lang ang kilala kong ganyan.Nakasuot ka ng polo at pantalon katulad ng uniporme ko nung college pa ko.Kalbo ka pa nun,mayabang,astig.Ngumiti ako sayo to acknowledge your presence.Alam ko kinakabahan ka,ako hindi ko alam,marahil masaya dahil nakita na kita

Gumigising ako ng maaga para pumasok,malayo din kasi ang opisina.Wala akong lovelife kaya naman nakatuon ang isip ko sa pakikipagtextmate.Malay natin makabingwit.Twing madaling araw bago ako kumain o maligo nakagawian ko ng manuod ng tv. May isang istasyon sa Tv na nagpapalabas ng chat messages,ito ay bukas para sa lahat basta may cp at load.Dun ko pina-flash ang aking numero,parang talipapa bukas sa mga gustong mamili,hindi ng isda at gulay kundi ng numero na hanap ay pakikipagkaibigan,pakikipagtalastasan o minsan hanap ay kasex.Isang madaling araw,ikaw na ang nagtext,ayoko sayo masyado kang mayabang at makulit.Conceited,playful,makasarili,immature.Galit ako sa mga ganyang klaseng tao.I ignored you.Hindi ikaw ang taong magkokontrol sakin.Consistent ka sa pagtetext marahil iba ako ,iba dahil hindi ako interesado sayo.Lagi ako masungit sa t’wing magtetext ka.Not knowing sa mga susunod na panahon isa ka ng malaking bahagi ng buhay ko.Magpupulis ka nga pala at sa ngayon masaya ako malapit mo ng matupad ito.Nagdesisyon akong makipagkita upang alamin kung may pag-asa nga tayo.Hindi ba’t ilang beses mo sa kin sinabi na ngayong nakilala na kita may magtatanggol na sa akin.Naniwala ako, may pag-aalinlangan pero naniwala ako.

 

Advertisements
Previous Post
Next Post
Leave a comment

12 Comments

  1. hhhhmmmm..so may bagong nagpapatibok ng iyong sawing puso o sya ang dahilan ng iyong kasawian?

    abangan..hihihi ;D

    Reply
  2. pong pagong

     /  June 12, 2011

    like ko magkaroon ng pulis na kaibigan hehe :))

    Reply
  3. basta pulis sweet lover?

    Reply
  4. naiiyak ako… sabi nya sakin… “I’ll be your White Knight and protect you!” pero lokohan lang pala yun. Wow nagdrama? wahahah!!! Bagong salta lang po ako kaya nakikiupdate pako sa story. =D

    Reply
  5. Ayan ang mga pulis patola gusto lng mag paturok mga sinungaling

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: