Kutob

Ang kulit mo talaga di mo ko tinigilan kahit ilang beses na kitang sinopla…Pasalamat ka at nauso ang unlimited text kaya nakuha mo ko sa pangungulit mo.Natatandaan ko pa nga ang sabi ko sa’yo ang tipo mo yung mga taong manloloko parang si mayor lang.Tawa at ngiti lang ang madalas mong sinasagot sakin.Hindi ko alam kung pagsang-ayon iyon sa sinabi ko o talagang palangiti ka lang.Aaminin ko unti-unti nakukuha mo ko sa simpleng pangungulit mo.Nakuha mo ko sa mabulaklak na salita.Hindi ka sumuko sakin kahit ang alam mo wala ka talagang pag-asa.January 1 pinasunod kita sa bahay ng kaibigan ko,Nakainum ka nun,dahil bisita kita,inasikaso pa rin kita.Hindi naman ako nagagalit dahil lasing ka na.Katwiran ko ay wala namang masama,Kilala mo naman mga kaibigan ko dahil minsan na din kita naisama dun.Masaya ang lahat kahit alam kong parang may kakaiba sa kilos mo.Lumalalim ang gabi palibhasa’y hindi naman likas sakin ang pagiging seloso kaya malaya kang makipag kwentuhan at makipagbiruan sa mga kaibigan ko.Kaibigan ko si Mark at alam kong may gusto s’ya sayo,wala naman sakin yun kung may nakaka-appreciate sayo kung tutuusin proud pa nga ako na ako ang mahal mo.May pagkakapareho kami ng ugali ni Mark at alam kong kahinaan mo iyon.Nagpasya na tayong matulog,mga lasing na kayo at wala na din mabilhan ng alak,katabi kita sa kama,pinaggigitnaan ka namin ni Mark.Madilim ang paligid at mainit ngunit nakakumot ka,Alam ko may mali,alam kong may ibang mangyayari…Kinukutuban ako,hindi ako mapalagay,tinigtignan ko kung bakit nakatalikod ka sa kin at nakaharap kay Mark,di ako nagsalita,nakikiramdam sa susunod na mangyayari gusto ko makasigurado.Hinahalikan mo s’ya base sa galaw ng kumot,mabilis pero maingat,ayoko gumawa ng eksena,natatakot ako sa anong pwedeng mangyari,natuto akong makiramdam…dahan-dahan,lakas ng pintig ng puso ko…Hinablot ko yung kamay ni mark at sayo,kahit tabing ng kumot huli ka pa din sa akto pinapahawakan mo sya kay Mark.Lahat ata ng dugo ko sa katawan ko umakyat sa ulo ko,Ganun pala talaga kasakit,bawat kalamnan ko nanginginig sa galit.Di ako nakapigil,kinwelyuhan ko si Mark,Hindi ko na matandaan kung ano ang aking sinabi,pero isa lang ang sigurado masasakit na salita ang binitiwan ko.Pinipigilan mo ko sa pwede kong magawa kay Mark.Humingi ka ng patawad pero bingi ako.Pinalabas ako ng kwarto dahil sa ginawa ko,sabay tayong lumabas…Humingi ka ulit ng tawad bakas pa nga sa mukha mo ang pagsisisi.Alam kong di ako makapag-isip ng maayos.Niyakap mo ko pero naging tahimik ako.Nagpaumaga na lang tayo para makauwi,tayo sa labas at si mark sa kwarto.Umaga na ng nagpaalam ako sayo sabi ko bibili ako ng pandesal,nag-alangan ka pero pinayagan mo ko lumabas sa pag-aakalang bibili lang ako.alam ko naghintay ka sakin..ngunit di na ko bumalik

Previous Post
Next Post
Leave a comment

9 Comments

  1. nakakagalit te.

    Reply
  2. teh pangit daw ang masyadong mapride… nakakasira sa pagkatao ang sobrang galit sa kapwa

    sa kabilang banda, naiinggit ako dahil sinabi mo na hindi ka selosong tao

    naiinggit ako sayo dahil nagawa mong magalit sa taong mahal mo at ipakita sa kanya nasaktan ka sa nangyari

    naiinggit ako sayo dahil nanghingi siya ng tawad at tila mas pinili ka parin niyang samahan kesa kay mark

    na nakaya mong iwanan siya

    nakakasira sa pagkatao ang sobrang galit sa kapwa

    pero naiinggit ako dahil ma-pride kang tao

    Reply
  3. may karapatan kang magalit kaibigan, kung yun ngang chismis lang o naisumbong lang sa iyo e magwawala ka na, yun pa kayang katabi ka..damnit! choz!

    Reply
  4. My gosh! Mahirap din talaga yung masyadong mabait ano? yung may kutob ka. tapos ayaw mo paniwalaan kasi pinagkakatiwalaan mo yung minamahal mo. Tapos masasaktan ka at magagalet kasi in the end, tama yung kutob mo. Istorya ng buhay ko? whahaha!!

    Reply

Leave a reply to Wilter von Phar Cancel reply