Ngiti

Likas akong mapagpatawad at alam mo yan,mali ang akala mo sa kin na pusong bato ako,tama nahirapan ka nanaman kunin ang loob ko,nagumpisa ka ulit sa dati,sinuyo mo ako dyan ka naman magaling diba ang manuyo.Nahulog ulit ako,di naman talaga nawala yung pagmamahal ko,namahinga lang sa sakit na ibinigay mo.Marami tayong magagandang ala-ala,minsan ko ng sinabi sayo,Gusto kong punuin ng magagandang alaala yung relasyon natin,”I want to be the best that I can be” at marahil kung may hihigit pa sa best ako yun.Tama ka mayabang ako pero alam mo yung effort na binibigay ko.Hindi nga ako mahilig makipag-away sa yo diba.Hanggat kayang intindihin ginagawa ko naman.Mahilig ka uminom pero hindi kita pinipigilan katwiran ko alam mo yung ginagawa mo at alam mo ang limitasyon mo,malasing ka man alam kong kaya mong dalhin ang sarili mo.Isang beses na nalasing ka natuwa ka sakin,first time atang may nagasikaso sayo,naappreciate mo yung pag-aalaga ko,hindi ko namamalayan malaking bagay pala sayo ang maliliit na ginagawa ko.Nginingitian mo ako na parang nahihiya dahil inaming mong natutuwa ka.Simple lang noon yung gusto mo,ipagprito lang kita ng hotdog,ipagtimpla ng kape o milo,Gustong gusto mo yung inaasikaso ka at lahat yun para sayo ay mahalaga.Madalas mo saking sabihin na kung babae ka lang pinakasalan mo na ako,masaya na malungkot ang naramdaman ko nun sa twing sinasabi mo yun para kasing natatakot ako sa katotohanang malalayo ka sa kin balang araw.May mga araw na nag-aaway tayo  dahil likas na yung kalokohan mo,madami ako nadidiskubre na sayo din naman nanggagaling,Hindi lang ilang beses mo pinagtapat na niloloko mo ako.Marahil naguguilty ka dahil kabaitan pa din yung isinusukli ko sayo.Hindi kita kinakausap nun,pero lagi mong binabanggit na di mo kayang mawala ako sayo.Natuto na ba ako?

Advertisements
Previous Post
Next Post
Leave a comment

6 Comments

  1. ok eto pala ang karugtong teh?

    happy for you
    savor the moment for we all know, nothing last forever lalo na sa gaya natin

    Reply
  2. at the rate your going kaibigan, mukang di ka natuto at matututo pa, dahil bulag ka na sa pagmamahal sa kanya..

    pero ang haba ng hair mo teh..kulot na kulot pa! pak! ;D

    Reply
  3. naku mahirap talaga maka move on pag napamahal ka na, parang ako lang. pero tama, savor mo muna yan, ibraid ang mahabang buhok ng di matapakan 🙂

    Reply
  4. it’s time be single once again!

    Reply
  5. Nakarelate ako! pwamiss!!! Bakit ba may mga ganyang tao? mga pasakit!

    Reply
    • welcome sa blog ko,salamat naman sa pagbisita,di ko alam kung bakit may mga ganyang tao,pasakit talaga

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: