Perstym

Hindi kami masyado matagal na magkatext nung magkita kami,kasama nya yung isang malapit nyang kaibigan.Hindi sya matangkad pero gwapo sya,cute din yung kasama nya.Pagbaba ko pa lang ng bus galing Manila nakita ko na ang dalawang lalaki na naghihintay pareho silang nakaitim na tshirt at nakashort na maong..Hindi naman ganun katagalan ang kanilang paghihintay sakin sapagkat malapit lang naman ang bahay nila sa aming tagpuan.Malayo pa lang alam kong sila na yun.Dumiretso muna ako sa cr upang tignan ang aking sarili sa salamin.Hindi muna ako nagpahalata na nakikilala ko na sila base sa kanilang mga kinikilos.Alam kong nakilala na din nila ako base sa aking puting uniporme na aking suot ng panahon na yun,iyon kasi ang aking tinext.Hindi ako kinakabahan palibhasa’y sanay na ako sa mga ganung set-up

 

“nakita na kita sa cr andun kami”sabi nya sa text.Nasa labas na ako nun na kunwari ay walang hinihintay.Paglingon ko sa aking likod ay nakita ko na sila,Sinenyasan ko na sumunod sa akin.Ilang hakbang ang aming pagitan at tila nahihiya ang dalawa sa akin.”Umupo na kayo at oorder ako”ang sabi ko sa kanila.Usapan kasi namin ay kumain muna bago simulan ang session.

 

Hindi naging mahirap sa akin mapalagayang loob ang dalawa.Likas ang kadaldalan nung isa at yung isa naman ay tahimik at tila nakikiramdam ngunit maamo naman ang kanyang mukha.Nagpasya kaming ituloy ang plano na mag-inum sa kalapit na bar.Umorder muna kami ng san mig light at nagpatuloy sa kwentuhan sa kabila ng ingay ng lugar.Mabibilang sa daliri ang mga kostumer dahil hindi naman weekend.Nakakatuwang isipin ang mga kwentuhan namin noon hindi mo mahahalata na noon lang din kami nagkita at nagkakilala.Ang isa ay kolehiyo na at ang isa ay nasa huling taon ng highschool pa lang pero magkasintanda sila,Pinili kasi nung isa na huminto sa pag-aaral dahil sa problemang pinansyal.Aliw na aliw ako sa kanilang ikinikilos dahil sa kabila ng kanilang karanasan ay isip bata pa din ang mababanaag sa kanila.Habang lumalim ang gabi ay sabay ang lalim din ng aming pagkakaibigan.Dumadaloy na sa aming ugat ang alkohol na malamang ay nakakatulong pa ng maige upang buksan nila ang kanilang sarili sa akin.

 

“Sasama sya”tinutukoy ang katabi nya na hiskul pa lang.Naintndihan ko ang kanyang sambit pero nagkunwari akong di alam sabay tingin sa katabi nya

.”Sasama daw sya” ,ulit nya.

“Sasama ka” sagot ko naman, nakabaling ang aking paningin sa kanya bilang panigurado

Tango lang ang kanyang itinugon sa akin.Malamang ay pinag-usapan na nilang dalawa ang aking balak bago pa man kami nagkita.

 

Aaminin ko ako ay natuwa.Inubos muna namin ang natitirang alak at nagpasyang lumipat ng venue sa pagkakataong ito kaming tatlo lang ang magkakasama.Sumakay kami ng jip at walang pang limang minuto ay nakarating kami sa aming pupuntahan.Kaswal na pumasok sa maliit na hotel sa bayang iyon at nagbayad para sa 12hours pagtigil sa loob ng kwarto.Malinis at maayos ang ang loob ng kwarto may isang malaking kama,isang maliit na ref .cable tv,maliit na lamesa,aircondition at telepono.Lalong naging makulit yung isa at ang isa nama’y tahimik pa din.Halatang perstym sa lugar na iyon.Gustong ubusin ang laman ng ref at gustong magswimming sa pool na malapit sa kwarto namin.Hindi ko naman sila pinigil dahil alam kong masaya sila.Ng matapos sila,ang mga sumunod na tagpo ay naging mainit ngunit naging komedya.Perstym ko din kasi… perstym na dalawa sila…

 

Advertisements
Previous Post
Next Post
Leave a comment

10 Comments

  1. Naku. ayaw ko muna basahin yung next part. Tigang ako eh.

    Reply
  2. pong

     /  July 20, 2011

    parang gusto ko din maperstaym heheh choz 😄

    Reply
  3. bongga! bakit naman naging komedya ang mainit na tagpo? 🙂

    Reply
  4. Di ko kinaya to kapatid!

    Reply
  5. Sarap ng first time nga naman, lahat lahat na! hahahaha

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: