Lamang-loob

Isang buwan din akong nawala at dahil matagal din yun hindi ko alam kung saan talaga ako mag-uumpisa.Maraming nangyari sa buhay ko at karamihan naman ay masasaya.Hinahanap ko nga ang atay ko,masyado kasing nagamit kaya nagtatampo.Feeling nya siguro ay pinabayaan ko na sya dahil kung hindi lalaki ay alak naman ang hinahanap ko.Ayaw ko mag-promise sa kanya na di na ako iinum pero try ko imoderate this time

Year 2011 is not really a good year for me kung pag-uusapan ang puso ko.Kung nasaktan ako at nagloka-lokahan ako is definitely an understatement.Pero kahit may butas na tuloy pa din ito sa pagtibok,sabi ko nga  hindi mo talaga kelangang ilaga at pakuluan pa ang puso ko para lumambot lang.Isa lang ang aking napatunayan hindi rubber ang puso.

Ginamit ko din yung utak ko last year,hindi nga ako makapaniwala na after ma-broken hearted magagamit ko pa ito ng walang sablay.Pakiramdam ko nasa isang movie ako.After masaktan may follow up na kagad na erotic movie ang peg.Walang romantic feelings na kelangan,may emosyon mang hinihingi puro halinghing at sarap lang.

3 yan sa mga nagamit ko last year,ang alam ko ang iba jan nasa nursing home pa din,nagpapagaling at naghihintay na muli kong gamitin.