Uph 2

Nag-usap kami over the phone ni Uph a while ago,Inamin nya sa akin na wala na talaga syang nararandaman towards me.Ano pa ba ang magagawa ko kundi tanggapin,masakit pero siguro eto na yung hinihintay kong closure.Mixed emotions,siguro dahil di pa nagsisink-in siguro Ill update na lang kung ano ang mangyayari sa akin at sa buhay pag-ibig ko.Next time yung buong kwento.

stress

Malapit na ang holy week pero wala pa din ako pera.Madami akong gustong pagkagastusan pero katulad ng karaniwang Pinoy wala ako budget.Sabayan pa ng madaming pinapagawa sayo sa opisina pero wala naman katapat na compensation.Don’t get me wrong hindi naman sa mukha akong pera pero kelangan ko naman din i-maintain ang lifestyle ko.Hindi naman ako maluho pero ayoko naman ma-deprive sa mga bagay-bagay na kinaaaliwan ko ,at syempre may responsibilidad ako na dapat gampanan.Andaming work buraot pa yung epal ko na opismate na akala mo sya na may-ari ng company.Nagmamaganda ang hitad eh mas mataas naman sahod ko sa kanya.Oo Mayabang na ako pero talagang nakakapikon kung umasta.Nagpaalam kasi ako na hindi mag-oot ang team ko sa admin head at pumayag naman.Nung malaman nya bakit di daw siya inform problema ko ba yun at hindi sa kanya sinabi?Tutal same lang naman sila ng posisyon so siguro may right naman ako na umalis kasi nga may permiso na ako.Pinapatunayan nya lang na pwede mong makuha lahat ng posisyon na magustuhan mo pero kahit kelan hindi mo makukuha ang respeto ng tao  lalo na at ang panget ng ugali mo.

 

Uph

Nagkita na naman kami  ni Uph,I just can’t help it, di ko matiis na di sya makita.Pumayag ako na pumunta sya sa bahay.Kilala na kasi sya dun kaya malaya syang makapunta at mag-sleepover.Alam ko sa sarili ko na iba na yung pakikitungo nya sa akin.Feeling ko di na sya katulad ng dati.Tinatry ko naman i-open up sa kanya pero hindi naman nya ako sineseryoso.Ewan ko ba masaya ako na hindi,masaya dahil nakita ko at nakasama ko sya ,malungkot kasi alam ko nagbago na sya.

Now ko lang sya pinangalanan sa blog ko pero matagal na syang topic dito.

1 2 3 4 5

 

Ganyan

Missing is just part of moving on

Ang saya naman hindi pa ko nababaliw,intact pa din ang kulot kong utak.Now I just realized na ok pa ko and this is just part of the process.Yes namimiss ko sya pero eventually mawawala din ito at everything will be normal again.Ang hirap naman kasi ng pinagdadaanan ko yung normal na ako   was 3 years ago pa so pano ko maibabalik yun I was not even the same back then.I need to take a rest,positive lang ganyan!

Gow

Im doing good

Not perfectly fine

Pero I know Im on the right track(baby)

Thanks to myself

Wala namang ibang tutulong sakin diba kundi ako lang

I still miss him though

But definitely mas namimiss nya ang ganda ko.

GOW

2nd day

I just had a drinking session with friends last night

This is to celebrate my singlehood again

Hindi ko alam kung bakit dapat i-celebrate

Pero bakit naman ako iiyak at maging malungkot

Isa akong bakla pero mas lalaki pa ko sa kanya

I still have my balls,

May laman at may sabaw

First Day

Wala akong mens,period o dalaw

Lalong di ko kailangan ng modess,whisper with wings at lalo na ang band-aid

At kahit ilang mefenamic acid ang inumin ko para stop ang pain

Walang instant na makakagamot sa sakit ng baklang heart broken

First day lilipas ka din

#maymasabilang

Ang pinakamahirap sa pakikipaghiwalay ay paano mo lalabanan yung pagkamiss mo sa isang tao,Malaki man at napakasakit ang nagawa nyang kasalanan hindi mo pa din maiwasan na hanap-hanapin sya.

Magkasama lang kami eksaktong last week,masaya na nagkukuwentuhan,nag-iinuman at naghaharutan pero ngayon ako ay nag-iisa.

God knows how much I miss him.Sana  tama ang desisyon ko.