stress

Malapit na ang holy week pero wala pa din ako pera.Madami akong gustong pagkagastusan pero katulad ng karaniwang Pinoy wala ako budget.Sabayan pa ng madaming pinapagawa sayo sa opisina pero wala naman katapat na compensation.Don’t get me wrong hindi naman sa mukha akong pera pero kelangan ko naman din i-maintain ang lifestyle ko.Hindi naman ako maluho pero ayoko naman ma-deprive sa mga bagay-bagay na kinaaaliwan ko ,at syempre may responsibilidad ako na dapat gampanan.Andaming work buraot pa yung epal ko na opismate na akala mo sya na may-ari ng company.Nagmamaganda ang hitad eh mas mataas naman sahod ko sa kanya.Oo Mayabang na ako pero talagang nakakapikon kung umasta.Nagpaalam kasi ako na hindi mag-oot ang team ko sa admin head at pumayag naman.Nung malaman nya bakit di daw siya inform problema ko ba yun at hindi sa kanya sinabi?Tutal same lang naman sila ng posisyon so siguro may right naman ako na umalis kasi nga may permiso na ako.Pinapatunayan nya lang na pwede mong makuha lahat ng posisyon na magustuhan mo pero kahit kelan hindi mo makukuha ang respeto ng tao ┬álalo na at ang panget ng ugali mo.

 

Advertisements